Naitala ng Pilipinas ang 4.6 inflation para sa buwan ng Oktubre.
Sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority mas mababa ito kumpara sa 4.8 percent na naitala noong Setyembre.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Oktubre ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 5.3% inflation at 89.0% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.
Dagdag pa nito bumagal din ang pagtaas ng presyo ng karne, gaya ng manok, na may inflation na 11.9%; gulay, tulad ng sibuyas, na may 11.4% inflation; at isda, partikular ang tilapia, na may inflation na 9.5%.
Samantala nasa 4.5 percent naman year-to-date inflation average ng Pilipinas na mas mataas sa target ceiling nito na 2% hangang 4%.