BFP walang naitalang sunog na may kaugnayan sa pagunita ng Undas

Inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lalawigan ng Camarines Norte na wala itong naitalang sunog na may kaugnayan sa pagunita ng Undas.

Ayon sa BFP Provincial Office nagsagawa ng inspeksyon sa mga simbahan at sementeryo ang bawat Fire Station sa lalawigan bago pa pansamantalang ipasara ang mga sementaryo sa pagunita ng Undas.

Nagkaroon din ng pagbabandilyo at tumulong  ang mga personahe nito sa pagbabantay sa mga sementeryo.

Ang Provincial Office naman ay nag- ikot sa iba’t- ibang bayan upang  magsagawa ng headcount sa mga naka deploy na personnel at kung ilang fire truck ang ginagamit.

Mababatid na noong isang taon ay wala ring Undas related fire incdent na naitala ang BFP.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang labinglima kasi na naitalang sunog noong Oktubre at Nobyembre noong nakaraang taon ay hindi maiuugnay sa pagunita ng Undas.

At dahil bukas na muli ang mga sementeryo ay inaasahang may mga bibista pa sa puntod ng kanilang mahay sa buhay.

Kaya naman payo ng BFP  sa publiko na sundin ang fire safety tips na kanilang ipinalabas.

Kabilang sa mga paalalang ito ay huwag magsindi ng kandila ng malapit sa bintana o kurtina.

Kung magsisindi ng kandila ay ipatong ito sa ibabaw ng lamesa sa loob ng palanggana na may lamang tubig.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ilayo sa mga bata ang kandila, posporo, lighter, lampara at iba pang mga kagamitang posibleng magliyab.

Kung aalis ng bahay para magtungo sa sementeryo ay patayin ang nakasinding kandila at palaging tanggalin ang mga nakasaksak na electrical appliances.

Huwag kalimutan at ugaliin ang tamang pagsuot ng face mask at face shield kung lalabas ng bahay at palagiang maghugas at mag sanitize ng kamay.

Simula naman ngayong araw ay bukas na rin ang catholic cemeteries.

Kung hanggang November 2 lang kasi ang itinakda ng gobyerno pansamantalang pagsasara ng  mga sementeryo ay mas matagal namang sarado ang mga pang simbahang sementery batay sa ipinalabas na Circular ng Diocese of Daet.