Mga nabakunahan kontra COVID 19 sa BARMM Region nasa kalahati na

Halos kalahati na ng target ng Ministry of Health na mabakunahan kontra COVID-29 ang naka-kumpleto na ng kanilang doses sa rehiyon.

Sinabi ni MOH-BARMM Minister Dr. Bashary Latiph na mula sa 264,000 na partially target, nasa 101,000 na ngayon ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 vaccine sa rehiyon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Kanya ring pinuri ang Maguindanao at Lanao del Sur dahil sa mabilis na rollout vaccination sa nasabing mga lalawigan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nabatid na mayroong 113,200 na sinovac vaccine at 20,000 na Aztrazenica vaccine ang ibinigay ng National Government sa rehiyon.

Sa ngayon target ng MOH-BARMM ayon kay Minister Latiph na mabakunahan lahat ng mga mamamayan sa rehiyon.