First ever localized Bar exam, nakatakdang isagawa sa 4 na Linggo ng Nov

Isasagawa ang kauna-unahang local bar examination sa pamamagitan ng online sa apat na Linggo ng Nobyembre sa 16 testing centers sa buong bansa.

Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng Bar Exam, na 16 nang local testing centers ang pumayag sa Memorandum of Agreement (MOA) batay sa template na inaprubahan ng Supreme Court.

Dagdag ni Leonen, maaring magkaroon ang SC ng kabuoang 25 testing sites sa buong bansa, sa gitna na ang Court ay nasa proseso pa ng pakikipagnegosasyon sa ilang malalaking paaralan para  maaccommodate ang mas maraming Bar examinees.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Matatandaan na noong nakaraang taon nang kanselahin ng Supreme Court ang Bar examination dahil sa COVID-19 pandemic, at napagdesisyunang sabay na isagawa ang 2020 at 2021 Bar.

Pero dahil parin sa banta ng pandemya, napagdesisyunan ng kataas-taasang hukuman na isagawa ito online sa mas maraming testing sites, para mabawasan ang cost at risk laban sa virus ng mga aspiring lawyers

Sa ngayon, ang mga kumpirmadong testing centers pa lamang ay ang Ateneo de Manila University; Manila Adventist College; Saint Louis University Baguio City; Saint Louis College – La Union; Saint Mary’s University; Cagayan State University; De La Salle Lipa in Lipa City; University of Nueva Caceres; University of St. La Salle – Bacolod; Central Philippine University; University of Cebu – Banilad; Mindanao State University – Iligan; Mindanao State University – General Santos City; Ateneo de Davao University; Xavier University – Cagayan de Oro; at Ateneo de Zamboanga University. //MHEL PACIA-TRINIDAD