Fair weather, asahan sa Luzon ngayong weekend

Asahan ng mga residente sa malaking bahagi ng Luzon ang fair weather conditions ngayong weekend, habang ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Batay sa satellite images ng Pagasa, makikita ang thick clouds sa Visayas at Mindanao — kung saan makikita ang ITCZ.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa gitna nito, wala namang weather disturbance na inaasahan sa loob ng Philippine area of responsibility ngayong weekend dahil nakakaranas parin ang bansa ng monsoon break o ang period ng wind pattern gaya ng southwest monsoon ay hindi nakakaapekto sa weather systems.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Dahil sa monsoon break, ang malaking bahagi ng Luzon ay makakaranas ng magandang lagay ng panahon, gaya ng Metro Manila at Legazpi, bagama’t may tsansa ng isolated rains.

Para naman sa Visayas at Mindanao, ang ITCZ ay magdudulot ng mababang temperatura sa naturang mga lugar.