Mga menor de edad na biktima ng pang-aabuso sa Naga City dumarami habang mga babaeng nakakaranas ng pananakit piskikal nabawasan  

NAGA CITY – Dumarami ang mga menor de edad na nakakaranas ng pag-aabuso sa Naga City.

Ayon sa Bantay–Familia Office biktima sila pang-aabuso mula sa sariling pamilya at sa komunidad. Ang pang-aabusong nararanasan ng mga ito ay karamihan physical at sexual.

Kinumpirma ito ni City Vice Mayor Maria Cecilia de Asis na siya namang Head ng Bantay Familia, pero wala naman itong nabanggit na bilang. Tinutulungan nila sa pamamagitan ng pag-aruga sa mga biktima at pagkalaboso sa mga tinuturong abusers.

Batay sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Vice Mayor de Asis, sinabi nitong tulad ng dati, nasa ilalim ng intervention program ang mga biktima, sa pamamagitan ng mga personahe ng City Social Welfare and Development Office.

Kailangan aniya ng mga biktimang menor ang suporta mula sa kanilang opisina para makaahon ang mga ito sa nararamdamang trauma. Ang iba sa mga bata ay nasa pangangalaga nila sa children’s home.

Kung dumami ang mga menor de edad na biktima ng pang-aabuso, kumunti naman ang bilang ng mga babaeng nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga asawang lalaki, base sa mga dumudulog sa kanila. Wala rin itong nabanggit na bilang.

Nagising na aniya ang mga babae at alam na kung papano lumaban ng legal sa mga asawang nananakit sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *