Mga magsasaka at mangingisda, binigyang pugay sa araw ng kagitingan

NAGA CITY- Binigyang pugay sa Naga City nitong Araw ng Kagitingan ang mga magsasaka at mangingisda na nakipagsabayan sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa mga Healthcare professionals, mga nagtatrabaho sa mga pagamutan , mga pulis at sundalo  at iba pang frontliners kinilala rin ang mga maliliit na negosyante. Ang araw-araw na supply ng pagkain sa gitna ng krisis ay ipinagpapasalamat mga backliners na nasa pagsasaka at pangingisda.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa maikling programa sa City Hall Grounds kung saan naroroon ang momumento ng mga sundalo at iba pang mga bayaning hindi naisulat sa aklat sinabi ni Mayor Son Legacion nagkapit bisig ang lahat upang nakaligtas sa virus. 

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dagdag pa rito tulad ng pagkilala ng 83rd infantry Division Philippine Army sa mga miyembro ng Media na naging mahalaga rin ang papel sa pandemya, pinasalamatan din ng Alkalde ang mga mamamahayag na naging magiting sa paghahatid ng impormasyon.