All set na ang gaganaping play-in tournament ng walong koponan na naghahangad na maselyuhan ang playoffs spot sa NBA.
Sa Miyerkules, April 13 unang maghaharap ang Brooklyn Nets at Cleveland Cavaliers na no. 7 at no. 8 sa Eastern Conference.
Paglalabanan din ng Minessota Timberwolves at Los Angeles Clippers ang pwesto sa playoffs.

Samantala susubukan naman ng no. 9 at no. 10 teams sa parehong conference na masungkit ang final spot sa playoffs sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo.
Sa east maghaharap ang Charlotte Hornets at Atlanta Hawks habang bakbakang New Orleans Pelicans at San Antonion Spurs naman ang aabangan sa west.
Batay sa bagong play-in tournament rules ng NBA, para masiguro ang playoffs spot ang mga teams na nasa 7th at 8th place sa standing ay kailangan manalo ng isang beses para makasama sa playoff brackets.
Habang ang mga teams nasa sa 9th at 10th sa standing may tiyansa pang makapasok sa NBA playoffs kung mananalo ng dalawang beses sa play-in tournaments.