Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga lugar sa bansa na nagdedeklara ng state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.
Sa situation briefing kaninang umaga sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos, iprinisenta ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at DILG na maliban sa National Capital Region, nag deklara na rin ng state of calamity ang Cavite at Batangas habang nagbabalak na ring mag deklara ang lalawigan ng Laguna.
State of calamity na rin ang buong lalawigan ng Bataan at Bulacan,
Nasa state of calamity na rin ang bayan ng Kabacan at Pikit sa Cotabato, at ang Pinamalayan sa Oriental Mindoro.
Habang meron pa raw sampung lugar ang inaasahang mag dedeklara na rin ng state of calamity.
Nabatid na magagamit ng mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ang kanilang calamity fund.