Tuluyan nang nakalabas sng bansda ang Bagyong Carina.
Ayon sa PAGASA, kaninang 06:20am ay nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan ang sentro nito sa layong 515 kilometro, hilaga hilagang-kanluran ng Itabayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 215 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng 515 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin naman ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.
Sa ngayon, bagamat wala na ito sa ating bansa, patuloy pa rin nitong pinalalakas at hinahatak ang umiiral na Hanging Habagat.
Sabi ng weather bureau, inaasahang pagsapit pa ng weekend gaganda ang panahon sa malaking bahagi ng bansa.