Arestado ang isang drayber matapos umanong maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa isang warehouse kagabi sa Barangay Barucboc, Quezon, Isabela.
Kinilala ang naaresto na si alyas Junie at isang drayber.
Una rito, habang nagpapatrolya ang pulisya ay nakatanggap ang mga ito ng impormasyon mula sa isang empleyado ng warehouse na mayroon umanong nagaganap na paggamit ng iligal na droga sa lugar.
Agad namang nagtungo ang kapulisan sa nasabing warehouse at naaktuhang gumagamit ng iligal na droga si alyas Junie na nagsanhi ng kaniyang pagkakaaresto.
Nasabat mula rito ang dalawang nakaselyong pakete na naglalaman ng umano’y shabu, aluminom foil at isang lighter.
Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g Quezon Police Station ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|#BrigadaNews