Nagbabala sa mga residente ng Bgy. Calategas si Punong Barangay Julie Burlaos dahil sa talamak umano na pamumutol ng kahoy sa kanyang barangay.
Ayon sa opisyal, nito lamang ikatlong linggo ng Nobyembre ay tatlumpong (30) indibidwal ang kanyang ipinatawag sa barangay para makapagpaliwanag tungkol sa pamumutol ng kahoy ng mga sa Purok Dumpsite ng Bgy. Calategas para gawing uling.
Tinatayang kalahating ektarya ang lawak ng kagubatan sa lugar ang na pinsala ng mga ilegalista na itinuturong sanhi ng mga pagbaha.
Samantala, binigyang diin ng opisyal na hindi sya magdadalawang-isip na ipaaresto sa mga awtoridad ang mga mahuhuling ilegalista.
Photo Credit: Kapitan Julie Burlaos