2 suspek sa pamamaril sa bayan ng Quezon, huli na

Sinampahan na ng kaso ng Quezon PNP ang dalawang suspek sa pamamaril sa isang Rocky Calipay Catanduanes 24 anyos, mangingisda ganap na 5:30 ng hapon nitong Lunes, ika-6 ng Disyembre.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, nangyari ang pamamaril sa biktima sa Purok Masikap, Sitio Nale, Barangay Panitian, Quezon

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Base sa imbestigasyon ay nakasakay sa motorsiklo si Rocky mula sa kaniyang tahanan papunta sa Brgy. Alfonso XIII nang barilin ng mga suspek habang nakasakay ng motorsiklo ( top-down) gamit ang caliber 22.

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Tinamaan ang biktima sa kanang paa pero nagawa pa rin nitong makatakas.

📷Palawan PPO