Mga estudyanteng pinagsasabay ang pag- aaral at pagtatrabaho hindi oobligahing lumahok sa face-to-face classes

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education (DepEd) na hindi  oobligahin sa ngayon na lumahok sa face-to-face classes ang mga estudyanteng pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag- aaral.

Tugon ito ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo nang matanong ukol dito sa programang DepEd Hour.

Mayroon kasing mga estudyante lalo na sa Senior High School na pinagsasabay ang pag- aaral at pagtatrabaho kaya mas pinili ng mga ito ang modular learning.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Paliwanag ni Guemo  na sa ngayon ay voluntary ang pagdalo sa expanded limited face-to-face classes kaya hindi umano maaaring pilitin ang mga estudyanteng pumasok sa eskwelahan.

Kung desisyon umano ng mga ito na sa bahay na lang mag- aral at ipagpatuloy ang distance learning ay pwede naman.

Ayon sa DepEd mababa ang bilang ng mga nasa Senior at Junior HighSchool na nagpahayag ng intensyong lumahok sa face-to-face classes.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa 59, 799 nasa 20, 585 lang ang nag signify o 34. 42 % sa Junior High School.

Habang sa Senior High School naman ay nasa 4, 850 lang sa kabuuang 16, 449 o 29. 49 % ang nagsabing lalahok sila sa face to face classes.