LEGAZPI CITY – Tatanggap ng 10k financial assistance mula Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na uuwi galing sa bansang Russia at Ukraine matapos na maipit sa nangyayaring kaguluhan.
Ayon sa OWWA BICOL Spokesperson Via Nicoleta Dometita, ang nasabing asistensya ay mula sa programang Financial relief assistance na isa lamang sa programa ng OWWA na naglalayong mabigyan ng tulong ang mga ofw na makapagtayo ng sariling negosyo.
Dagdag pa ni Officer-In-Charge Regional Director Janivie Diaz-Aguallo, upang mapasama sa mga benepisyaryo ng nasabing asistensya ay kinakailangang magsumite muna sila ng mga dukomentong hinihingi ng opisina gaya ng passport at stamp of arrival.
Aniya, sa loob lamang ng dalawang araw ng pagpoproseso at pagbeberipika ng mga ipinasang dokumento ay makukuha na nila ang nasabing tulong mula sa programa.
Samantala, ang pagpapauwi sa mga ofw ay hindi sapilitan dahil wala pa umanong mandatory instructions ang gobyerno tungkol dito.