Mga deboto ni Nuestra Señora De Peñafrancia mula sa Diocese of Daet hinimok na magsuot ng pulang damit sa gagawing Diocesan Mass sa Naga Cathedral sa September 14

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Bishop Rex Andrew Alarcon ang mga deboto mula sa Diocese of Daet na magsuot ng kulay pulang damit para sa gagawing Diocesan Mass sa Naga City Metropolitan Cathedral sa September 14 sa ganap na alas 6 ng umaga.

Mababatid na ngayong Linggo ay may kaniya- kaniyang araw ng misa ang bawat sufragan Diocese ng Archdiocese of Caceres kabilang na ang Daet.

Ikinatuwa naman ni Bishop Alarcon na sa tuwing sasapit ang araw ng Diocese of Daet para sa Diocesan Mass sa karangalan ni Ina ay nagkukulay pula ang katedral kahit noon pa kaya naman hinihimok ang mga deboto na gawin ito ulit ngayon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung maalala sa opening mass sa traslacion ni Ina noong Biyernes na pinangunahan ng obispo ay sinabi nitong biyaya ng Simbahang Katolika sa rehiyon ang muling pagdiriwang sa nakagawiang Kapistahan ng Divino Rostro at Nuestra Señora De Peñafrancia na dalawang taong hindi nagawa dahil sa COVID-19 pandemic  na tumama sa bansa.

Aniya mahalaga para sa mga Bicolano at mga deboto na muling maipakita ang masidhing debosyon sa Divino Rostro at sa Mahal na Ina tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre.

Ang Nuestra Señora De Peñafrancia ang patrona ng Bicol Region at matatagpuan ang canonically crowned image nito sa National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia sa lungsod ng Naga.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, magtatapos naman ang novenary days para kay Ina na ginagawa dito sa Diocese of Daet sa September 13.

Sa araw ding ito ay tutungo sa Naga ang mga kaparian para sa Union of Bicol Clergy (UBC) na dalawang taong hindi nagawa dahil sa COVID- 19 pandemic.

Ito ang pagtitipon ng mga kaparian sa buong Bicol para sa sports fest at formation na ginagawa sa Holy Rosary Minor Seminary.