CAMARINES NORTE- Nakaranas ng ilang minutong power service interruption ang buong lalawigan ng Camarines Norte nitong araw ng Linggo, September 11.
Ayon sa Camarines Norte Norte Electric Cooperative dahil ito sa pagnipis ng suplay ng kuryente mula sa Luzon Power Grid ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagdulot ng Automatic Load Dropping (ALD).
Ang ALD ay ang proseso ng awtomatiko at sadyang pag-aalis ng mga pre-selected load mula sa isang power system bilang tugon sa isang abnormal na kondisyon upang mapanatili ang integridad ng buong sistema.
Biglaan ang pag-alis ng suplay ng kuryente sa isa o ilang probinsya dahil sa biglaang pagbaba at hindi sapat na suplay sa Power Grid.
Wala itong paunang abiso mula sa NGCP dahil ito ay biglaan at hindi inaasahan.
Mula 7: 52 ng umaga ay naranasan ang pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Mercedes, Basud, San Lorenzo Ruiz, Daet, San Vicente, Talisay, Vinzons, Labo, Sta Elena at Capalonga.
Pagkalipas lang ng tatlong minuto ay naranasan naman ang pagkawala ng kuryente sa mga bayan ng Paracale at Capalonga
Simula noong Abril nay mahigit limang ALD na ang naranasan sa lalawigan.
Nagbalik ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan 8:03 ng umaga.
