CAMARINES NORTE- Aabot pa lamang sa 41, 084 na Cam Norteño ang nakatanggap ng unang booster shot kontra COVID- 19 o 9. 5 percent.
Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang noong Sabado, September 10, 2022.
Sa labingdalawang bayan sa lalawigan ang Daet na siyang capital town ang may pinakamarami sa ngayon na nabakunahan ng first booster na mayroong 21. 5 percent.
Sa 72, 583 na fully vaccinated individuals nasa 16, 741 ang nakatanggap na ng unang booster shot.
Ang San Vicente na may pinakamaliit na populasyon ang pangalawa sa may pinakamataas na porsiento ng nabakunahan ng first booster na nasa 18 percent.
Sa 8, 411 na fully vaccinated individuals 1, 424 ang nakatanggap na ng unang booster.
Sinusundan naman ito ng Talisay na mayroog 13 percent na naturukan ng booster.
Sa 16, 187 fully vaccinated individuals nasa 2, 619 ang nakatanggap na ng unang booster.
Habang ang San Lorenzo Ruiz naman ay mayroong 1, 203 sa 7, 655 na fully vaccinated o11. 5 percent.
Ang nalalabing mga bayan ay wala pang sampung porsiento ang nababakunahan ng booster shot tulad ng Basud na may 8. 5 percent, Capalonga 8 percent, Mercedes 7. 5 percent, Vinzons 6. 9 percent, Jose Panganiban 6. 8 percent, Sta Elena 4. 7 percent, Labo 4. 4 percent at Paracale 4 percent.
Ang mga nabakunahan naman ng ikalawang booster sa buong lalawigan ay nasa 3, 971 pa lang o 0.91 percent.
