BNFM BICOL—Umabot lamang sa 21 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region kahapon batay sa report ng Department of Health-Bicol.
Sa naturang bilang, 11 ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan lima ang naitala sa bayan ng Calabanga; dalawa sa Naga City at tag-iisa ang mga bayan ng Del Gallego, Gainza, Pamplona at lungsod ng Iriga.
Nasa apat naman ang naidagdag sa Sorsogon kung saan dalawa nito ang mula sa Gubat at pawang may isang kaso ang Prieto Diaz at Sorsogon City.
May tatlong kaso naman ang Catanduanes kung saan dalawa nito ang mula sa Virac at isa ang mula sa Gigmoto.
Dalawang kaso naman ang naitala sa Albay mula sa bayan ng Libon at Polangui habang may isang kaso naman ang Masbate na mula sa bayan ng Cawayan.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 58,744 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 5,300 sa mga ito ang aktibong kaso.
Nasa 246 naman ang mga bagong gumaling kung kaya’t nasa 51,309 na ang recoveries habang nananatili naman sa 2,114 ang death toll o mga nasawi.###