Case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol nananatili sa 3.60%

BNFM BICOL— Nananatili sa 3.60% ang ‘case fatality rate’ ng COVID-19 sa Bicol region batay sa datus na ibinaba ng Department of Health-Bicol as of February 16, 2022.

Basado sa tala ng ahensya, nasa kabuuang 2,114 ang kabuuang death toll ng sakit sa rehiyon kung saan ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas o pinakamaraming bilang ng fatalities na umabot na sa 500.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sinunsundan naman ito ng Sorsogon na may  467; 439 sa Albay; may 224 ang Naga City; 202 sa Camarines Norte; 116 sa Catanduanes; may 87 ang Legazpi City habang nasa 74 naman ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Masbate.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, habang patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng virus sa rehiyon, patuloy naman ang paalala ng ahensya sa publiko na panatilihing sundin ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.###