Pagre-rehistro sa S-PaSS system, hindi na requirement sa ilalim ng alert 2 quarantine classification sa Catanduanes

BNFM BICOL— Hindi na kinakailangan pang magrehistro sa S-PaSS system ang lahat ng mga biyahero papasok sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Iyan ang isa sa mga travel guidelines na nakapaloob sa ibinabang Executive Order ng pamahalaang panlalawigan ngayong isinailalim na sa Alert Level 2 ang quarantine classification ng naturang probinsya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Batay sa E.O No. 4 series of 2022 na pirmado ni Catanduanes Governor Joseph Cua, pinapayagan ang Interzonal at Intrazonal travel papasok ng isla sa lahat ng mga biyahero.

Tanging vaccination card na lamang at ID ang kailangang i-presenta ng mga fully vaccinated habang para naman sa unvaccinated at partially vaccinated passengers, required pa rin ang pagsusumite ng negatibong resulta ng RT-PCR o Antigen Test, na valid sa loob ng tatlong araw bago ang pagluluwas sa Catanduanes.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, sa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ay pinapayagan ang pagdaraos ng mga indoor activities ngunit 50% capacity lamang ang pinahihintulutan habang 70% capacity naman para sa outdoor activities.###