Mga aktibidad kaugnay ng Partido Boulevard Summer Festival 2024, umarangkada na

CAMARINES SUR —  Mas pinainit pa ang tag-init ngayon sa Partido Area kasabay ng pag-arangkada ng mga aktibidad kaugnay ng Partido Boulevard Summer Festival 2024.

Nitong nakaraang linggo, opisyal na binuksan ang sanib-pwersang pagdiriwang ng tatlong bayan ng Sagñay, Tigaon, at San Jose sa pamamagitan ng Sagñay Baybayon Festival. Nakiisa ang maraming manunuod sa concert at music jam, habang pagsapit ng gabi, tila hindi tumila ang pagtaas ng “heat index” dahil sa Search for Bikini Hunks and Babes na dinagsa ng tao at pinusuan naman ng maraming netizens online.

Samantala, sa isang mensahe ibinahagi rin ni Mayor Jerold Peña ng bayan ng San Jose na ang naturang pagdiriwang ay katuparan sa matagal nang inaasam ng distrito, aniya’y sa pamamagitan nito nailalapit na sa mga taga Partido ang mga aktibidad na kadalasang nakikita  lamang sa lungsod. Ngayong araw hanggang byernes, isasagawa naman sa nasabing bayan ang mas pinalaking  San Jose Partido Harvest Festival kung saan itatampok ang 1st Bicol Diversified Farming Expo na lalahukan ng maraming lokal na magsasaka, mangigisda at mga nasa livestock at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *