Paulo Avelino, mas gusto magkaroon ng non-showbiz girlfriend

Ibinunyag ni Paulo Avelino na mas gusto niya palang magkaroon ng non-showbiz girlfriend kaysa magkaroon ng relasyon sa isang artista.

Ito ang kanyang sagot nang tanugin si Paulo hinggil sa love life at paghahanap ng perfect partner sa buhay.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Ikinalungkot naman ito ng kanilang fans ng aktres na si Kim Chiu.

Bukod kasi sa pagiging love team nila sa isang teleserye, na li-link ang dalawa matapos mabalitang hiwalay na sila sa kanilang mga partner na si Xian Lim at ang rumored girlfriend ni Paulo na si Janine Gutierrez.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Saad ng netizens, baka hanggang screen lang talaga ang atake ng tambalang Kim-Pau. Ngunit nanatiling stong naman ang kanilang fans dahil hindi naman daw maitatago ni Paulo na may kilig sa kanyang mga mata kapag nababanggit o nakikita niya si Kim.