NAGA CITY- Malaking pagsubok para sa mga Palestino ngayong taon ang paggunita ng Ramadan sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.
Ngayong araw ng Eid al-Fitr o pagtatapos ng Ramadan sinabi sa Brigada News FM ni Naga City Muslim Affairs Office Head Mike Mustapha, ipinapanalangin nila ang kapayapaan ng mga muslim lalo na ang mga nasa Palestine. Nakakaawa aniya ang sinapit ng mga naipit sa giyera lalo na ng mga bata.
Samantala, pasalamat si Mustapha dahil ramdam nila ang respeto ng mga Nagueño. Kaninang umaga nagtitipon sa mga mosque ang nasa 5,000 na mga muslim sa Naga at Camarines Sur upang ipagdiwang ang pagtatapos ng buwan ng pag-aayuno.