Metro Manila mayors nagkasundong i-ban ang outdoor exercise sa ECQ period

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na ipagbawal ang outdoor exercises sa capital region sa panahon ng two-week strict lockdown sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chair Benhur Abalos Jr. nagpasa na sila ng resolusyon na nagbaban sa paglabas ng bahay para mag-ehersisyo.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Dagdag ni Abalos, ang naturang hakbang ay mahalaga para protektahan ang mga residente ng Metro Manila.

Mababatid na sa ilalim ng strict enhanced community quarantine na iiral sa National Capital Region hanggang sa August 20, mga piling establisyemento lang ang pinapayagang mag-operate at ang galaw sa buong rehiyon ay kontrolado.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Bago nito, ang ilang outdoor exercises – gaya ng walking, jogging, at biking ay pinapayagan mula alas 6 a.m. hanggang alas 9 a.m. // MHEL PACIA-TRINIDAD