Govt, target na i-regulate ang pagbebenta ng oxygen tanks sa gitna ng Delta variant

Ikinokonsidera ng gobyerno ang pag-regulate sa pagbebenta ng oxygen tanks sa gitna ng posibilidad ng surge sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay para matiyak na tanging ang mga nangangailangan lang ang makakabili nito.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ibig sabihin umano, dapat prescribed ang pagbili ng oxygen.

Ibinunyag rin ni Vergeire na ang DOH at ang Department of Trade and Industry ay nakikipag-usap na sa mga manufacturers ng oxygen tanks para maparami ang production sakaling tumaas ang demand.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Una nang hinimok ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na taasan ang oxygen supplies na kinakailangan sa pag-gamot sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD