GDP ng PH, naitala sa 11.8% sa Q2 ng 2021

Nakabangon na ang Pilipinas mula sa “recession” matapos na makapagtala ng 11.8 percent na pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) o ang kabuuang produkto at serbisyo ng Pilipinas noong second quarter ng 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamataas na naitala mula sa 12% growth noon pang 1988 o 32 taon na ang nakalilipas.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Mababatid na bumagsak ng 16.9 percent ang GDP ng bansa noong ikalawang quarter ng taong 2020 dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na restriksyon dahil sa covid-19 pandemic.

Samantala, kabilang sa mga pangunahing contributors ng pagtaas ng ekonomiya ng bansa ay ang construction na may 25.7 percent, ang manufacturing na tumaas ng 22.3 percent, whole and retail trade at repair ng mga motor vehicles na nasa 5.4 percent. //MHEL PACIA-TRINIDAD with CLAY MARQUEZ