Mercedes nangunguna sa Camarines Norte na may mataas na prevalence ng wasting, San Vicente naman pinakamaraming stunted

CAMARINES NORTE – Nangunguna pa rin ang bayan ng Mercedes sa may mataas na kaso ng wasting o mga payat na batang 0- 59 months old.

Batay ito sa datos mula sa Provincial Health Office para ngayong Calendar Year 2023.

Gayunman, bumaba na ang kaso ng mga wasted children sa naturang bayan kumpara noong 2022 dahil sa mga intervention na ginagawa ng Lokal na Pamahalaan partikular na ang feeding program katuwang ang Department of Education.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pangalawa naman sa may pinakamaraming wasted cchildren ay ang Vinzons na sinusundan ng Basud, Capalonga at Paracale.

Pinakamataas naman ang prevalence ng pagkabansot sa mga bata sa bayan ng San Vicente na sinusundan ng Paracale, Talisay, Mercedes at Capalonga.

Ang bayan naman ng Talisay ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng overweight o mga obese na batang edad 0- 59 months old mula noong 2021 hanggang ngayong 2023.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Sinusundan ito ng Capalonga, Paracale, Basud at  Mercedes.

Pero una nang inihayag ng PHO na sa pangkalahatan ay bumaba na ang mga kaso ng wasting, stunted at obese na mga bata sa Camarines Norte at pababa ito mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan.