CSC nagbabala sa publiko hinggil sa mga nag- aalok ng review classes para sa Career Service Examination Pen and Paper test

CAMARINES NORTE – Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa publiko hinggil sa mga nag- aalok ng review classes at reviewer’s para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas na wala silang accredited na review center at walang binibigyang  pahintulot na gamitin ang logo ng komisyon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sinabi ito ni Salinas sa harap na rin ng naglipana online na nag- aalok ng review classes gamit pa man din ang logo ng CSC.

Aniya, marami na silang inilabas na advisory sa publiko laban sa mga pekeng online announcement mula sa mga review class na ang iba nga ay nagsasabing 90% ang  passing rate.

Gayunman, nilinaw ni Salinas na hindi naman nila pinagbabawalan ang sinuman na mag conduct ng review basta’t hindi lang gagamitin ang komisyon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa katunayan ay hinihimok pa nga umano ng CSC ang mga kukuha ng CSE PPT Professional at sub- professional  ngayong buwan na na mag review.

Ibinahagi rin ni Salinas ang ilang mga posibleng coverage ng exam na maaaring pagtuunan ng pansin ng mga examinee.