Meralco, naitakas ang panalo kontra NLEX; 104-101

Naitakas ng Meralco Bolts ang panalo mula sa NLEX Road Warriors sa PBA Philippine Cup elimination round kung saan ay nagtapos ito sa 104-101.

Dahil sa panalo ay tumaas ang standing ng Bolts sa 8-2 habang meron pa itong isang laro na natitira.

Iginiit ni Bolts head coach Norman Black na sa kabila ng pagkakabura ng kanilang 20-point lead sa huling dalawang segundo ng laro, ay ikinatuwa nila ang kanilang naging panalo.

Aminado si Black na hindi naging maganda ang huli nilang walong minuto.

Pero sinabi ni Black na mahalaga para sa kanila ang bawat panalo.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng Bolts ang kanilang magiging laro laban sa defending champions Ginebra bukas.

Ipinunto naman ni Black na nakamit ng Bolts ang twice-to-beat advantage sa kauna-unahang beses sa buong kasaysayan ng franchise nito.