Face shield requirement, luluwagan ayon kay Pangulong Duterte

Inanusnyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na luluwagan ng gobyerno ang requirment sa pagsusuot ng face shields.

Sinabi ng Pangulo na ipagbabawal na lamang ang hindi pagsusuot ng face shields sa tinawag nito bilang 3Cs na ang kahulugan ay close, crowded, at close-contact.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Inihayag ng Pangulo na pinaiimplementa niya ang nasabing panununtunan sa lalong madaling panahon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, inrekomenda ng technical advisory group at ng medical experts na pwedeng malimitahan ang paggamit ng face shields sa mga high risk activities, sa mga indoor establishments, at sa mga transportasyon.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ipinunto naman ni Pangulong Duterte na binawi niya noon ang unang pahayag ng Malacañang na hindi na required ang face shields sa labas noong June 21 dahil sa pangamba niya sa Delta variant ng COVID-19.