“Tama na ‘tong comparing and pitting women against each other”
Ang nasabing mensahe ay bahagi ng mahabang reply ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pambabatikos ng isang basher.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Pia ang litrato ng sarili na naka-work out clothes kung saan ay naikwento niya sa kaniyang mga followers ang latest episode ng podcast nito na “Between Us Queens”.
Mababasa sa comments section nito ang negatibong reaksyon ng isang commenter kung saan ay sinabi nito na wala nang career si Pia, maliban sa mga pictorials at vlogging nito tungkol sa pageant.
Sinabi ng basher, “Move on gurl sa mga pageant na ’yan! We are expecting big events in your career and in your life!!! Movies waley??? TV shows waleyy din??? Naku gurl you need a good manager!”

Nabanggit rin ng basher ang isa pang beauty queen na bibida sa isang pelikula.
Nag-reply naman si Pia kung saan ay sinabi niya na hindi niyang ugali na bigyan ng pansin ang mga fake accounts, ngunit nais niyang malaman ng lahat na masaya siya para sa kaniyang mga kaibigan na gumagawa ng pangalan sa larangan ng Show business.
Dagdag niya, “it’s not a personal goal anymore! I’m so happy and grateful for the blessings I have in my life now. I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it,”