Maulap na kalangitan na may kasamang ulan, mararanasan sa PH re: Habagat

Makakaranas ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated rains dahil sa epekto ng southwest monsoon at localized thunderstorms.

Ayon sa Pagasa, ang southwest monsoon ay nakakaapekto parin sa extreme Northern Luzon.

Nagbabala naman ito ng posibleng flash floods o landslides sa oras ng severe thunderstorms.

Samantala, sinabi ng weather bureau na iiral ang mahina hanggang sa katamtamang hangin sa Northern at Central Luzon, na maaring magdala ng slight to moderate coastal waters conditions.

Parehong sitwasyon rin ang inaasahan sa ibang bahaging ng karagatan sa bansa.