Philhealth, sasagutin na rin ang COVID serious adverse effects

Isinama na ng PhilHealth sa kanilang coverage ang serious reactions mula sa COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito, sasagutin na ng PHilHealth ang cost ng hospitalization, permanent disability, at death after immunization para sa period ng March 3, 2021 hanggang March 2, 2026 sa ilalim ng Republic Act 11525 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Sa ilalim naman ng PhilHealth Circular 2021-0007, nakasaad na ang indemnity program ay hindi applicable para sa mga nakatanggap na, o tatanggap ng kompensasyon sa pamamagitan ng COVAX no-fault compensation program.

Ang adverse effects mula sa bakuna na binigyan ng Certificate of Product Registration (CPR) ay hindi ikokonsidera.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Samantala, sa oras ng hospitalization, ang isang tao ay maaring bayaran ng hanggang P100,000 bilang karagdagan sa kanilang benepisyo na ibinibigay ng PhilHealth at iba pang private health insurers.

Ang lump sum na P100,000 ay ibibigay rin para sa permanent disability o death.// MHEL -PACIA-TRINIDAD