Japan, magdodonate ng 1M AstraZeneca doses sa PH

Nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines mula sa Japan.

Ayon kay Japan’s Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang donated shipment ay inaasahang darating sa bansa sa July 8.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag ni Koshikawa, sisikapin ng bansa upang ang donasyon ay makarating sa Pilipinas nang walang delay.

Una nang ibinunyag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Senate inquiry na ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansa makakatanggap ng donasyon mula sa Japan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Maliban dito, nangako rin ang East Asian nation ng donasyon sa Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Thailand. // MHEL PACIA-TRINIDAD