Mataas na kaso ng mga batang sobra sa timbang, ikinaalarma ng isang Punong Barangay sa Naga City

NAGA CITY – Umabot sa 87 mga bata ang naitala at may pinakamataas ng kaso ng overweight o obesity ang Barangay Triangulo sa 27 na mga Barangay sa lungsod ng Naga.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Allan Beriso ng Triangulo ikinagulat at ikinaalarma nitong may ganoon silang kaso samantalang hindi naman nagkulang ang barangay sa mga programa lalo na pagdating sa paglaban sa malnutrition at pangkalusugan ng mga bata.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Idagdag pa rito ang mga programa para para magabayan ang mga nagdadalang tao, programa hinggil sa pagbubuntis kung ano ang dapat na gawi, pagdating sa mga dapat at hindi dapat kainin ng isang buntis.

Base kasi sa record ng City Population Nutrition Office (CPNO) ng Naga City, makikita na Barangay Triangulo ang may pinakamaraming mga overweight o sobra sa timbang na mga bata. Sa  limitadong galaw, sobrang pagkain ang nakikitang dahilan lalo na hanggang ngayon umiiral pa rin ang pandemya.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naniniwala si Beriso na dahilan rin ang maraming bilang ng mga bata sa Barangay kaya mataas ang record. Nakadepende parin aniya sa pangangalaga ng mga magulang lalo na hindi porke mataba ang isang bata ay malusog na.