Mga batang namamalimos at namamasko sa sentro ng Daet hindi napigilan ng malakas na ulan

CAMARINES NORTE- Hindi alintana ng ilang kabataan ang panganib kahit pa ang malakas na ulan kapalit ng kaunting barya.

Kahapon ng tanghali ay nadaanan ng Brigada News ang ilang bata sa sentro ng Daet na nag- aabang sa mga pumaparadang sasakyan para mamalimos at manghingi ng pamasko.

Bukod pa ito sa mga maliliit pang bata na gumagala kahit gabi para mangaroling at manghingi ng kaunting barya.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Makikita ang mga batang ito na nag- iikot sa bahagi ng Central Plaza Complex na nangangaroling at nanghihingi ng pera.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng marami ay mayroong batas patungkol sa pamamalimos.

Ito ang Presidential Decree No. 1563 o Anti-Mendicancy Law na naisabatas noong termino ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na layuning mawala ang mga pulubi.

Sa ilalim ng naturang batas ipinagbabawal ang paghingi o pagsolicit sa kalsada.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dati nang hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na iwasan ang pagbibigay ng limos sa mga bata, homeless persons, at Indigenous People na pakalat-kalat sa mga kalsada.

Mas hinihikayat ng ahensiya ang Organized Gift-Giving at Caroling Activities, Feeding Programs, Story-Telling, at Medical Missions.

Layon ng batas na maprotektahan ang mga bata mula sa exploitation at mabigyan sila ng  tinatawag na habilitative services.