Pormal na pagbawi sa mandatory wearing ng faceshield, ikinatuwa ng marami

NAGA CITY-Ikinatuwa ng marami ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa paggamit ng face shields kung saan sinabi niyang maari nang hindi magsuot nito.

Makalipas ang halos 20-buwan hindi na kakailanganin ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, liban sa mga health care facilities.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang Naga City ay kabilang sa mga nasa Alert Level 2 o ang dating General Community Quarantine. Para kay Catherine Rodriguez, Supermarket Manager sa isang kilalang Department Store sa Goa, Camarines Sur malaking bagay ito dahil komportable na makagalaw kapag pumupunta o pumapasok sa mga establishments sa Naga City, subalit pwede rin aniyang less protection laban sa virus.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bago ang pormal na kautusan ng Interagency Response Task Force may ilang establishments na ring hindi nag rerequire nito sa Naga City na pinapayagan naman ng Health Emergency Response Task Force basta’t nasusunod ang capacity ng business establishment at naipapatupad ang health protocols.