NAGA CITY- Mayroong 305 na mga paaralan sa Bicol Region na inimungkahe sana ng Department of Education maging maging pilot area ng limited face-to-face classes, subalit nitong lunes 120 paaralan lamang sa mga low risk areas sa buong bansa ang naaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa naturang sistema.
Sa 305 sanang paaralang ito, sinabi sa Brigada News FM Naga ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na Camarines Sur ang may pinakamarami na umabot sa mahigit 200. Dahil aniya sa mataas na COVID cases , tiyak itong mababawasan pa.
Una nang sinabi ng DepEd na ang limited face-to-face classes ay maraming kondisyon at makakatuwang rito ng LGU para isaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Binigyang diin ng DepEd na ang mga pasok lamang rito ang mga lugar na napakababa ng COVID-cases.
Sa lalawigan mahigit 9, 400 na ang kaso ng COVID-19 , sa Naga City naman mahigit 4, 400 kahapon.