Tiniyak ng overall deputy ombudsman na dawit sa procurement ng kwestyonableng personal protective equipment sa gitna ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon, na handa siyang mag-inhibit sa kaso sakaling dalhin ito sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ito ni Overall Deputy Ombudsman Warren Liong, na dating director sa Department of Budget and Management-Procurement Service isinagawang hearing ng Senate Blue Ribbon committee, kahit hindi naman talaga siya humahawak ng mga ganitong klase ng kaso.

Ipinunto ni Liong na ang hawak niya ay ang mga low ranking officers sa NCR.
Ipinaliwanag naman ni Liong na sinubukan niya lang ang kaniyang tyansa na makapasok noon sa Office of the Ombudsman nang siya ay tanungin ni Gordon kung bakit ito lumipat sa anti-graft body.
Inihayag ni Liong na contractual lamang siya sa PS-DBM at nais niyang manatili sa gobyerno.