Massoud, ayaw sumuko sa Taliban

Nanindigan ang anak ni Ahmad Shah Massoud, na isa sa mga namuno noon sa anti-Soviet resistance ng Afghanistan noong 1980s, na hindi niya isusuko ang nasasakupan nitong mga lugar sa Taliban.

Sinabi sa ulat ng isang TV channel na umapela si Ahmad Massoud ng pagbuo sa isang komprehensibong gobyerno na kayang pamunuan ang bansa na may partisipasyon ng Taliban.

Nagbabala si Massoud na hindi nila maiiwasan ang pagsiklab ng giyera sakaling tumangging makipagdayalogo ang Taliban.

Iginiit ni Masoud na nagtipon-tipon na ang pwersa ng gobyerno sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya, kabilang na sa Panjshir valley.

Samantala, base naman sa opinion piece ng the Washington Post na nailathala noong Huwebes, ay umapela umano si Massoud ng suporta mula sa West.