Nagtapos sa top 20 ng Mister Supranational 2021 ang pambato ng Pilipinas na si John Adajar.
Ginanap ang naturang pageant sa Strzelecki Park Amphiteater sa Nowy Sacz, Poland ng Linggo, kagabi (Oras sa Pilipinas).
Sa isang introduction video ay inihayag ni Adajar, na isang mixed marital arts (MMA) champion, na nais niyang gamitin ang sports upang maging inspirasyon sa iba.
Isinulong rin ni Adajar, na tubong San Pablo, Laguna, ang peace, brotherhood at global understanding.

Samantala, nasungkit naman ni Varo Vargas ng Peru ang titolo, na ipinasa sa kaniya ni Mister Supranational Nate Crnkovich ng Estados Unidos.
Kabilang rin sa mga nanalo ay sina:
Abdel-Kacem Tefridj ng Togo – 1st runner-up
William Badell ng Venezuela – 2nd runner-up
Santosh Upadhyaya ng Nepal – 3rd runner-up
Lucas Muñoz-Alonso ng Spain – 4th runner-up