Naiulat ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na umabot sa halos 500,000 doses ang naiturok sa mga residente ng lungsod sa gitna ng ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine sa buong Metro Manila.
Sinabi ng pamahalaang lungsod na aabot sa 493,000 vaccine doses ang naiturok sa mga mamamyan nito mula August 6-20.
Mula sa nasabing bilang ay nasa 415,923 ang nakatanggap ng kanilang unang shot, habang nasa 77,077 ang fully vaccinated na.

Nitong August 21, ay nagawa ng pamahalaang lungsod na ma-administer ang kabuoang 2.14-million doses.
Dahil diyan ay nasa mahigit 1.4 million na indibidwal o 86.36% ng 1.7-million na target population ng Quezon City ang nakatanggap na ng kanilang first shot habang nasa 675,000 naman o 42.06% na ang fully vaccinated.
Tiniyak naman ni Mayor Joy Belmonte na tuloy-tuloy lang ang vaccination ng adult population habang patuloy na lumalapit ang lungsod sa target.