Mas mataas na take home pay para sa mga nagbabayad ng buwis asahan ngayong taon dahil sa pagbaba ng singil sa income tax

CAMARINES NORTE- Tiyak na mas mataas na take home pay ang naghihintay ngayong 2023 para sa mga indibidwal na kumikita ng pure compensation income, kabilang ang non-business/non-profession related income at sole proprietors dahil sa pagbaba ng  income tax rate alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang inihayag ni Revenue District Officer Felix Roy sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kung saan ipinaliwanag nito ang kasalukuyang tax rate.

Simula nga Enero 1, 2023, ang mga may annual taxable income na mababa sa P250,000.00 ay hindi pa rin magbabayad ng personal income tax, habang ang iba pang mga nagbabayad ng buwis, maliban sa mga may taxable income na higit sa P8 milyon, ay magkakaroon ng mas mababang mga rate ng buwis mula sa 15% hanggang 30%.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang mga top individual taxpayers na may annual taxable income na sobra sa P8 milyon ay may mas mataas na tax rate na 35% mula sa dating  32%.

Kumpara sa paunang ipinataw na income tax rates sa inisyal na implementasyon ng TRAIN Law noong2018, ang bagong  annual income tax rates ay bumaba ng 5% para sa taxable income ng higit P250,000.00 o hanggang P2,000,000.00, habang nagkaroon naman ng bawas na 2% sa tax rate sa mga may taxable income na lagpas P2,000,000.00 hanggang P8,000,000.00.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paliwanag ni Roy may stages o pagbabago kada taon ang implemantasyon ng batas.

Samantala, bigo naman ang BIR- RDO 64 na maabot ang isang bilyong goal nito noong 2022.

Sa ngayon ay wala pa umanong ibinababang bagong goal para sa district ngayong 2023.

Pero ayon sa opisyal inaasahan nila na tataas pa ito dahil mas lumalaki ang pangangailangan ng gobyerno kung saan naka- align ang goal ng BIR.