DPWH aminadong kailangan nang magkaroon ng rehabilitation sa ilang bahagi ng national highway

CAMARINES NORTE- Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kailangan nang i- rehabilitate ang ilang mga kalsada sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ito ang inihayag ni District Engineer Edwin Bermal sa pakikipagpulong nito kamakailan sa tanggapan ni First District Rep. Josefina Tallado kaugnay sa  problema ng lubak lubak na kalsada sa bahagi ng main roadway na sakop ng Unang Distrito.

Ayon kay Bermal nasa limang taon o higit pa halos ang mga kalsadang dinadaanan at may kalumaan na ito kaya kailangan na ng rehabilitation para matuldukan ang problema.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Sa pakikipag- usap ng opisyal kay Congresswoman Tallado, inihayag nito na patuloy ang ginagawa nilang pagre- repair sa kalsada at sa katunayan nga raw ay araw- araw nasa labas ang kanilang mga empleado lalo na kapag maganda ang panahon.

Kinakailangan lang aniyang itigil ang trabaho kapag maulan dahil hindi pwedeng mag- repair ng aspalto.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Binigyang diin din nito na isa sa dahilan ng pagkasira ng mga kalsada ay dahil sa mga dumadaang overloaded trucks na dapat umanong ma-regulate sa tulong ng Land Transportation Office (LTO) at ng kapulisan.

Mababatid na nagkaroon ng pag- uusap sa pagitan ng opisyal at ng mambabatas sa gitna ng hinaing ng mga tao na nanawagan sa DPWH na bigyang pansin ang malalim na lubak sa kalsada na nagiging sanhi rin ng mga aksidente.