Presyo ng produktong petrolyo sa Camarines Norte mataas pa rin sa kabila ng ipinatupad na rollback

CAMARINES NORTE- Nagpatupad ng pinaka unang rollback ngayong taon sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis nitong Martes.

Sa kabila nito nananatiling mataas ang presyo sa lalawigan ng Camarines Norte lalo na sa diesel na hanggang P75 pa rin habang sa gasolina naman ay pumapalo hanggang P74.

Sa Shell Mancruz nasa P69. 75 ang kada litro ng fuel save diesel, P75. 25 sa V- power diesel, P72. 30 sa Fuel save gasoline at P74 sa kanilang V- power gasoline.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa Seaoil, P69. 75 ang kada litro ng diesel, P70. 20 sa Extreme U at P71. 60 sa Extreme 95.

Sa Ptt gasoline station nasa P68. 75 ang kada litro ng kanilang  blue diesel, P70. 10 sa Blue Gasoline 93+ at P70. 70 naman sa kanilang Blue Gasoline 95+.

Umaabot naman sa P69. 75 ang kada litro ng diesel sa Petron Pandan, P72. 30 sa Xtra advance, P73. 10 sa XCS at P71. 35 sa turbo diesel.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa katapat nitong Phoenix petroleum ay nasa P69. 75 din ang kada litro ng diesel, P 72. 01 sa supped unleaded habang P73. 01 naman sa premium.

Sa petro gazz Basud nasa P66. 20 sa GDZL Power, P67. 70 ang GPrime91 at P68. 20 sa GPremium.