Hindi natigil ang pag-eensayo ni Mark Magsayo para sa kanyang unang title defense, sa kabila na ito ay nakabakasyon.
Dedepensahan ni Magsayo ang kanyang WBC featherweight belt laban sa Mexican challenger na si Rey Vargas sa July 9 sa San Antonio, Texas.
Kaugnay nito, paiigtingin ng Tagbilaran City, Bohol native ang kanyang paghahanda sa oras na bumalik na ito sa United States, sa ilalim ng training camp ni coach Freddie Roach sa Wild Card gym.

Matatandaan na ang huling laban nito ay noong Enero, kung saan natalo niya si Gary Russell Jr. sa pamamagitan ng majority decision, dahilan para makuha ang WBC crown sa Atlantic City, New Jersey. //MHEL PACIA-TRINIDAD