Tinawag ng World Health Organization na masyadong brutal ang ginawa ng ilang European countries, kabilang na ang Germany, France, Italy at Britain, na tinanggal na ang COVID-19 curbs.
Ayon sa WHO, ang tumataas na kaso ngayon ay dahil sa mas nakakahawang BA.2 subvariant.
Sinabi ni WHO Europe director Hans Kluge, na positibo siya pero vigilant hinggil sa development ng pandemya sa Europe.

Dagdag ni Kluhe na ang kaso ng COVID-19 ay tumataas sa 18 mula 53 bansa sa WHO European region, na kinabibilangan ng United Kingdom, Ireland, Greece, Cyprus, France, Italy at Germany.
Nabatid na sa nakalipas na pitong araw, naitala ang mahigit 5.1 million na mga bagong kaso at 12,496 deaths sa WHO’s European region. //MHEL PACIA-TRINIDAD