Nangunguna parin si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa latest survey ng OCTA Research.
Sa resulta ng Tugon ng Masa Survey na isinagawa noong April 2 hanggang 6, lumalabas na si Marcos ay nakapagtala ng 57% preference votes mula sa 1,200 sample size na may ±3% margin of error.
Ang bagong resulta ng survey ay nagpapakita ng increase mula sa 55% preference votes na naitala nito noong February 12 hanggang 17 survey ng kaparehong institusyon.
Kaugnay nito, si Marcos ay nakakuha ng 35% preference votes sa National Capital Region, 66% sa Balance Luzon, 56% sa Visayas region, at 50% sa Mindanao.

Sinundan naman ito ni Vice President Leni Robredo sa 22% preference sa mga respondents sa buong bansa, na 7 percentage points increase mula sa 15% na naitala niya noong Pebrero.
Pumapangatlo naman si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa 9%; Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao sa 7%, at Senator Panfilo “Ping” Lacson sa 4%. //MHEL PACIA-TRINIDAD