Diretsahang nilinaw ng singer-songwriter Jason Marvin Hernandez na siya at si Moira Dela Torre ay nananatiling mag-asawa.
Ito ang tugon ni Hernandez kaugnay sa usap-usapang hiwalayan ng dalawa, kasama ang iba pang isyu na bumabalot sa kanilang relasyon.
Dagdag nito, hindi nangaliwa si Moira at wala ring nakawan ng pera na nangyayari.

Ang isyu ay nagsimula nang mapansin ng mga netizens na umano’y tinanggal ni Dela Torre ang kanilang larawan ni Hernandez sa Instagram, bagama’t may ilang larawan parin ng kanyang asawa na makikita sa kanyang account.
Maliban dito, naobserbahan rin ng mga fans na tinanggal ni Moira ang apelyedo ng kanyang asawa sa kanyang personal Facebook account. //MHEL PACIA-TRINIDAD